Nilamon ako ng depresyon, pagkaawa/pagkayamot sa sarili kahapon.
Sa dami ng dapat kong tapusin, wala akong natapos ng maayos ni isa. Lahat palpak. Pati mga importanteng detalye e nakalimutan ko. ‘Yon na nga lang ang ginagawa ko do’n e hindi ko pa magawa ng maayos.
Lutang ako. Wala na akong pakialam kung mabasa na ng tuluyan ang sapatos at pantalon ko dahil sa ulan.
Umupo ako sa isang malapit na bench. Sa isip ko, paano kung biglang dumating ang boss ko do’n at makita ako na nakaupo lang kesa bumalik sa opisina at magtrabaho? Sa sobrang pagkawala ko sa sarili, naipadala ko pa ang mensahe sa mismong boss ko imbes na sa katrabaho. Ang magandang eksena kahapon e yung biglang nagkatotoo yung kanina lang e iniimagine ko.
Nanlamig ako. Pakiramdam ko wala talaga silang tiwala sakin. Hinuhuli ako kung talagang ginagawa ko ang trabaho ko ng maayos. Lalo akong nawalan ng gana.
Natapos ang araw ko kahapon sa pagsisimula kong harapin muli ang Jobstreet/Jobsdb.