SUMASABLAY Manila

Hinding-hindi ko malilimutan ang company outing namin nitong Sabado’t Linggo. 

Ang pinaka-memorable sa lahat e nung pauwi na kami’t nakaramdam ako ng panlalamig, pagtaas ng balahibo, kirot sa tyan. Natatae na ako. Ilang oras pa ang iba-byahe namin pabalik ng Maynila. 

‘Buti na lang at sinuportahan ako ng drayber namin pati na rin ang mga katrabaho ko. Binigo kami ng dalawang gasolinahan na nadaanan namin. Sira ang flush. Wala ding tubig. Kahit paano naman e ayokong iwanan ang kalat ko. Mahirap na’t baka may kumulam pa sakin. 

Salamat sa Shell na kahit walang flush at wala ding tubig e buong giliw na sinalubong ang pwet ko. ‘Buti na lang at may natira pa kaming Mineral Water. Binigyan din ako ng wipes nung isa kong kasama. Laban na ‘to. 

Sinubukan kong palubugin ang tae ko gamit ang kakarampot na tubig. Tulad ng inaasahan e hindi lumubog. Bahala na kako.

‘Di pa man kami nakakaalis sa Shell e may dumating na van. Sunod-sunod lumabas ang mga tao. Seryoso ang dating at diretso sa banyo. Kita ko ang pagkayamot nila pagpasok sa loob. Mukhang natatae na rin sila.

Kaso, may sipa ‘ata ‘yong amoy ng tae ko. 

Nakasakay ko sa dyip kanina ang ilan sa mga kupal na makakasalamuha mo sa pagbyahe araw-araw. 

‘Di ko alam bakit parang ang sama ng loob ng mga de puta na ‘yon na magabot ng bayad ng iba sa drayber. E kung hindi rin kaya iabot ang ipinapaabot nilang bayad? 

Titignan ka pa ng masama. Kunwari pang hindi naririnig kahit ilang beses mo nang sabihing “Bayad pooooo!” At may mga matitigas talaga ang mukha na hindi ka papansinin. 

Kung ayaw magabot ng bayad o magpaistorbo sa pagpapainit ng pwitan sa dyip e ‘wag na lang umupo sa malapit sa drayber. O ‘di kaya, mag-taxi na lang. O ‘Di kaya, ‘wag na lang lumabas ng pukinang inang bahay. 

Bale kagabi, iniisip ko kung bakit kahit hindi naman na ako kumakain sa hapunan e hindi pa rin ako nababawasan ng timbang. Hindi naman ako masyadong pressured kasi may nasusuot pa naman ako. Kaso sumisikip lahat. Hassle minsan dahil ‘di na ako makakilos ng maayos, hinihingal agad sa kaunting lakad, at kapansin-pansin na ang bilbil sa kahit anong anggulo. 

Wala din naman akong kupal na boyfriend para ipaalala bawat minuto saakin kung gaano ako kataba, (Oo, nagkaroon ako ng karelasyon noon na sa ilang taon na pagsasama namin e hindi ipinalimot saakin na kahalintulad ko ang baboy). ‘Di ko alam kung ayos lang ba talaga sakanya ang timbang ko ngayon o ayaw lang niya akong masaktan sa katotohanan. 

Parang niloloko ko lang din ang sarili ko sa pagbili ng sports bra na mas mahal pa sa daily pay ko. Isang beses ko lang ginamit. Isang beses lang akong pumunta sa Sports Complex para tumakbo. At tumakbo ako sa loob lang ng 25.something na minuto. 

Ang siste, nag-gagaguhan lang kami ng sarili ko. 

Kanina sa pasyalan, may dumaan na mag-tatay na black American ‘ata. Ang totoo, hindi sila ang una kong napansin kundi ang mga taong nagtatawanan, nagbubulungan, at sinusundan ng tingin ‘yong dalawa. 

‘Di ko maintindihan minsan sa mga Pilipino, ano bang problema sa kulay ng tao? Bakit ‘yong sobrang puti ng balat e hindi naman nila pinagtatawanan at madalase sinasamba pa? 

Ang siste, katatawanan ka kapag maitim ang balat mo, pero kung maputi pero maitim ang budhi e ayos lang? 

Hindi pala ibibigay sa’kin yung sa umpisa pa lang e tinrabaho ko na. 

‘Yon na nga lang ang natitirang motibasyon ko sa trabahong ‘yon, sa huli e hindi pala sa’kin mapupunta. O ngayon, maliban sa pera e wala na akong rason para manatili pa do’n. 

Gusto kong umangat.  

E bababa ako sa gusto kong babaan. Nagbayad ako sa’yo kaya putanginang ‘wag kang magrereklamo kung hindi ako bumaba habang nakahinto ang dyip sa gitna ng daan.

Masarap ba sa pakiramdam na sa sobrang inis mo e ibinababa mo ako sa malayo para maglakad ako ng malayo pabalik? 

Ayos lang naman sakin pero hinihiling ko ngayon na mabangga ka sana, mapuruhan ka, pero hindi ka mamamatay. Sana maaksidente ang kahit sino sa pamilya mo dahil sa kagaya mong gago. 

Sumakay ako ng taxi pabalik ng opisina kanina. Hindi naman kalayuan kaya ayos lang. Bale pumatak ng Php 57.50 ang metro. Nagbigay ako ng isang daan at sinuklian niya ako ng bente. BENTE lang ang sukli saakin.

Tinanong ko siya kung magkano ba. Itinuro niya yung metro sabay sabing “Hindi mo ba ako bibigyan ng tip?” “Kailangan ba?”, kako. Nakalimutan ko na ang sinabi niya pagkatapos at nagmadali na rin akong bumaba dahil baka kung ano pa ang masabi ko sakanya. 

Ibang klase talaga ang mga tao ngayon. Hindi mo naman binibigyan ng tip, basta na lang kukuhanin sa bayad mo. Hindi ko obligasyong magbigay ng tip parati. Nagbayad ako ng tama, suklian dapat ako ng tama. 

Sana maging paborito din ako.
~