SUMASABLAY Manila

Hinayaan kong mapuno ang paningin ko ng iba’t ibang kulay mula sa langit. Halo ang nararamdaman ko ng mga sandaling ‘yon. Bakit ganito? Masyado na ‘atang masakit. Matatapos na ba? Hanggang dito na lang ba ang lahat?

Hindi ko na alam ang gagawin. Kahit pa alam kong malapit siya saakin, hindi ako napanatag. Mali ang inaasahan kong magiging takbo ng araw na ‘yon. Kulang ang saya, bitin ang ligaya.

Malapit lang ako pero hindi napapansin. Paano pa kung tuluyan na akong mawala sa kanyang paningin?

Katabi, malapit lang pero hindi pa rin nakikita. Hindi na nakikita.

Iniisip ko kung paano ko masasakyan ang trip nitong syota ko.

Shifting ang schedule niya sa trabaho at paguwi sa bahay e may panibago na naman siyang shift, sa computer shop nga lang. ‘Di ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang parati niyang sinasabi na ‘buti nga’t hindi siya nambababae. Ang dami ko nang istratehiya sa sarili ko kung paano ako makakasabay sa hilig niya sa buhay. Bilang hindi epektibo ang pagpigil o pagkontrol ko sakanya noon e hinayaan ko siyang turuan ako para “bonding moment” na rin namin ‘yon.

Kinakain ng paglalaro niya ang dapat sanang ipinapahinga niya mula sa trabaho. Sakop na rin ang dapat sana e paguusap namin araw-araw. Tulad ng madalas niyang sinasabi ‘pag tumatawag ako, “Baby wait lang. Nagca-clash kasi.”, “Last game na ‘to, promise.”, “Isa na lang baby, sige na please.”, “Minsan ko lang kasi makalaro si (insert his bestfriend’s name here).”

‘Di lang oras, kundi pati pera ang naaaksaya. Pambili ng hero, pambili ng skin. 

Minsan nakakatuwa, minsan nakakaputa.

Pero sabi nga nila, if you can’t beat them, join them. Kaya saluhan din niya ako ‘pag tinotoyo ako dahil sa paglalaro niya. 

Kung hindi laro, mga chikas ang interes nitong boyfriend ko. Dahil ba mataba na ako? HUHU

Minsan kasi kailangan ko rin marinig mula sa’yo kung gaano mo ako kamahal. Na kahit nakakaputa ang ugali ko e masaya ka na tayo, ako ang kasama mo. 

Minsan mainarte ang puso ko at kailangan kong marinig na sabihin mong maswerte ka saakin. Na gusto mo akong makasama. Kahit puro away, puro pagtatalo, nasasabik ka pa rin na makatabi at mahawakan ang kamay ko. 

Hindi ko naman hinihiling na marinig ‘to araw-araw. ‘Di na tayo mga bata. Pero minsan, kailangan ko…

Love is a decision. The grass isn’t greener on the other side. It’s greener where you water and fertilize it.
Lysa TerKeurst 
‘Di ko alam kung dapat bang panindigan ko na wala e, ganito ako. O kailangan kong magbago kahit paano? Baka sakaling mas ayos, para maging interesante ako ulit para sa’yo.

Sanay akong magpunta sa kung saan man mag-isa. Sanay akong kumain sa pampublikong kainan ng mag-isa. Kaya kong manood ng sine ng ako lang. Sanay at kaya kong gawin ang mga bagay ng sarili lang ang kasama ko. 

Pero kahit sanay naman ako, kahit kaya ko, kailangan ko pa rin ng madaratnan sa paguwi ko. Kailangan ko pa rin ng katabing matulog sa gabi, at kinabukasan ay mahal pa rin ako. 

~