SUMASABLAY Manila
Keep swimming

Keep swimming

Kaya mo ‘yan. Kayanin mo. Kung hindi e paulit-ulit na lang lahat, wala nang magbabago. E diba, nagawa mo naman noon? Anong kaibahan kung susubukan mo ulit ngayon?

‘Wag mong ipilit. Kung para sa’yo e darating ‘yan at ipagsisiksikan pa sa’yo. Gawin mo na ulit ang mga bagay na ‘to para sa sarili mo. Itigil mo muna ang pagkukunsidera sa ibang tao. Sa huli, hindi naman sila ang makikinabang kundi ikaw mismo. 

Bawasan mo kahit kaunti. Malulunod ang kahit sino kung lampas na ‘to sa limitasyon niyong pareho. 

Kakayanin mo. 

misshapen-glasses:

Singkit ka pala Isabell.
Yun ang una kong napuna nang simulan kong iguhit ang iyong larawan. Hindi ko kasi ito napapansin. May pagka-singkit kasi ang iyong mata nung tinitigan ko, o medyo mapungay lang ang iyong mata noong kinuhanan ang litratong ito.
Maganda ang labi mo. Napansin kong hindi sila gaanong manipis. Di ko malaman kung nakasimangot ka ba o naka-almost pout ang labi mo dito. Pero parang ganito naman ata ang natural na ayos ng labi mo.
Pero ang pinakagusto ko sa litrato mo, habang ginuguhit ko, ay ang baba mo. Parang ang cute lang.
Sa dalawang taon ko sa Tumblr, dalawang beses na kitang nakita, at dalawang taon na kitang binabasa at sinusundan maging Facebook lang o Twitter. Hindi pa din ata ako nagsasawa sa lahat ng sinusulat mo mapa-trabaho, pag-ibig o kung ano mang shit yan.
Hahaha…
~A
P.S. Pagpasensyahan mo na ang parang tangang sulat na to. Bangag lang. Alas kwatro na.

Nakakaiyak. HUHUHU Thank you Mang Aning. 

Nakapag-bike ako ulit nung Linggo! Yiheee

Nakakapagod maglinis ng kwarto. :(

Nakakapagod maglinis ng kwarto. :(

Unang araw sa pagtatanggal ng inipong taba sa katawan. Sana pera na lang ang inipon ko. 

Majayjay, Laguna

Majayjay, Laguna

~