Habang nasa dyip ako kagabi, iniisip ko kung ano ba ang ipapangalan ko sa magiging anak ko kung sakali. Gusto ko kasi sana e ipangalan sa mga magulang namin ng mapapangasawa ko. Bale naghalo-halo na ang mga baby names sa utak ko hanggang sa napunta ako sa Paraluman. Kung siya ang magiging tatay ng magiging anak ko, akma ‘to dahil Ang Huling El Bimbo ang una niyang itinurong kanta saakin na tugtugin sa gitara.
Nung isang araw, kinasal na yung isa kong tropa nung kolehiyo. Masaya ako para sakanila. Kung babalikan lahat ng nangyari sa relasyon nila, nakatutuwang isipin na may pinatunguhan din lahat ng sakripisyo at pagtitiis nitong kaibigan ko. Tapos bigla kong naramdaman na para bang gusto ko na rin ikasal.
Magpakasal na kaya ako? Pakakasalan ko ang sarili ko. Hehe.
freeserotonin asked: Andito pa 'ko sa Nueva Ecija. Tanging Tumblr lang ang nalo-load ng kinginang Smart Bro na 'to. Wala rin nga pala akong load. Ang ganda rin ng year-ender ko kase nilalagnat ako kahapon. Pero ayos na ko ngayon. Wala lang. Happy New Year, Sabel. My 2011 was really a blast because of you an Carlo. Salamat din kay Alexis kase ipinakilala kayo! Salamat din sa tunay na pagkakaibigan! Ikaw, si Carlo at si Alexis ang ilan sa mga taong totoong importante sa'kin. Magkita kita naman tayo nila Kaka, pls! :*
Maging maganda sana ang taon na ‘to para saatin! ‘Yon lang ang hiling ko… :)
Happy new year, te!
At isa sa mga natutunan ko sa mga naging kaibigan ko na huwag masayadong maging attached sa kanila kasi pag lumayo sila at iniwan ako, ako lang ang masasaktan.
umabot na siguro ako sa puntong hindi na ganun kahalaga ang pagpaparami ng kaibigan. bagkus, mabuti na yung mangilan-ngilan na masasabi mong totoo at maaasahan mo di lang pag nasa taas ka maging sa mga araw na parang pinagdamutan ka ng langit ng kung anu man.