
Kung hindi laro, mga chikas ang interes nitong boyfriend ko. Dahil ba mataba na ako? HUHU

Kung hindi laro, mga chikas ang interes nitong boyfriend ko. Dahil ba mataba na ako? HUHU
May tendency akong awayin ang mga syota ng mga kaibigan ko.
Siguro nga’t mahirap akong nasasabihan ng problemang mag-syota dahil masyado akong naaapektuhan. Ayoko lang talagang naaagrabyado yung mga taong mahalaga sa’kin. Oo, alam ko na dapat may limitasyon ang pangingialam ko, na medyo natutunan ko naman na.
Bale kasi eto ang nangyari, dahil nga medyo iwas na akong mangialam sa away mag-syota e idinaan ko na lang s Facebook. Oo, alam ko din na mababaw na paraan ‘yon pero wala naman akong choice. Ang punto kasi, bakit ka papasok sa isang commitment kung putanginang hindi mo naman kayang panindigan. Masabi lang na gwapo ka kasi may syota ka, ganun? Ulol.
Hindi ko naman tinag itong syota ng kaibigan ko, na natural ko namang ginagawa talaga, pero sapul na sapul ‘ata siya kaya napa-comment bigla. Kung kailan naman nasa kainitan e saka pa nagputa ang internet connection ko. Buti na lang at nabasa ko muna yung comment niya kundi, hindi man lang ako nakabawi. Binura kasi niya.
Syempre, hindi ko palalamapasin na winatdafak niya ako. Sabihin na nating sinanuvabitch ko siya sa post ko (kahit ‘di naman siya naka-tag) e ‘di pa rin ako papayag na ganun lang. Heh.
Comment nga lang e hindi pa mapanindigan, relasyon pa kaya?

Hirap kumita ng pera para magkaroon ng magandang buhay.