Parang nakatabi ko sa dyip kanina ‘yong ex ko na ilang taon ko ding nakasama.
Ang nakakatawa sa mga ganitong sitwasyon e ‘yun bang parang ‘di kayo nagkaroon ng relasyon. Sa tagal din ng pinagsamahan, nawala na lang bigla. Parang ‘di na magkakilala.
Sa totoo lang, isa siya sa mga nakarelasyon ko na gusto kong maging kaibigan. Pero siguro nga, nung natapos yung relasyon namin, nabura na rin ang espasyo namin sa isa’t isa.

