
Unang araw sa pagtatanggal ng inipong taba sa katawan. Sana pera na lang ang inipon ko.
Dear matalik na kaibigan,
Ano nang nangyari sayo? Ang totoo, hindi ko matandaan kung kailan kita huling nakita at nakausap. Hindi ko na rin matandaan kung kailan ako huling naging kaibigan sayo at ikaw saakin.
Ang dami na kasing nangyari. Nagbago ka na, pati ako. Nadala na tayo ng buhay. Ni hindi ka nga nagpunta nung linggo dito sa bahay para sa Graduation Party ko. Alam kong hindi na ako ang prayoridad mo.
Namimiss ko yung mga panahon na naghahabulan lang tayo dahil sa inaasar mo ako. Maghahabulan tayo sa loob ng bahay niyo tapos e kapag naabot kita, tiyak na may kurot at kagat kang matatanggap sakin. Hindi ko rin malilimutan yung mga panahon na ikaw ang iyakan ko kapag sablay na naman ang puso ko. At pati na rin syempre yung mga pananakip ko sa mga kaululan mo para hindi ka mabuko ng mga babae mo.
Alam ko na mabigat ang problema mo ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi mo masabi sakin. Siguro kasi, alam mong ayaw ko sa syota mo. Pero, hindi naman siya ang kaibigan ko, kundi ikaw.
Namimiss ka,
i