Bale nasita ako ng isa kong boss ngayong umaga. Hindi ko kasi suot ang office uniform namin. Hindi ko kasi nalabhan kagabi. Masyado akong abala kakanood at kakalaro ng Tetris.

Ni hindi ko na rin masagot ang tawag nung syota ko kasi ‘di gaya ng DOTA o League of Legends na nilalaro niya, hindi pwedeng bitiwan ang Tetris. Hindi pwedeng AFK muna kundi talo ka.

Medyo kinabahan tuloy ako ng mapanood ko ‘to. Kasi tuwing pabiro niya akong pinapapili kung Tetris daw ba o siya, buong tapang kong sinasabi na “Syempre, Tetris!”

Pucha, bubugbugin ko siya kapag pinagpalit niya ako dahil sa kalalaro ng Tetris. Siya nga e parang may shift din sa kompyuteran kalalaro ng League of Legends. 

Walang basagan ng trip.