Nakasakay ko sa dyip kanina ang ilan sa mga kupal na makakasalamuha mo sa pagbyahe araw-araw.
‘Di ko alam bakit parang ang sama ng loob ng mga de puta na ‘yon na magabot ng bayad ng iba sa drayber. E kung hindi rin kaya iabot ang ipinapaabot nilang bayad?
Titignan ka pa ng masama. Kunwari pang hindi naririnig kahit ilang beses mo nang sabihing “Bayad pooooo!” At may mga matitigas talaga ang mukha na hindi ka papansinin.
Kung ayaw magabot ng bayad o magpaistorbo sa pagpapainit ng pwitan sa dyip e ‘wag na lang umupo sa malapit sa drayber. O ‘di kaya, mag-taxi na lang. O ‘Di kaya, ‘wag na lang lumabas ng pukinang inang bahay.
Katarantaduhan din ng ilang drayber, mas marunong pa sa gusto mong babaan. ‘Buti sana kung hindi ka nagbayad. Magrereklamo pa na kanina pa nakahinto sa kabilang kalsada at kinukwestyon pa ang hindi mo pagbaba don.
E sa putanginang gusto kong bumaba sa tamang babaan. Mas marunong ka pala saakin edi sana ibinayad mo na rin ako ng pamasahe sa sarili mong pasada. Sinabi mo na rin sana sa sarili mo kung saan ako bababa.
At ang kagaguhan pa, inilagpas ka pa ng sobra-sobra at pinaglakad ng sobrang layo. Kundi ba naman hindot ang pukingina.
Nung Sabado ko lang nalaman kung gaano karaming tao sa barangay namin ang hayok sa BINGO. Mula ala-una ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi e ibinuhos lang nila sa paglalaro kasama ang buong pamilya, mula Lolo’t Lola hanggang ka-apo-apuhan.








Sa daan-daang tao na ‘to, isa lang ang nagkamit ng Grand Prize. Una-unahan lang daw sa swerte.
Hindi ako naging fan kailan man ng proseso ng pagkuha ng kung anu-anong shit sa gobyerno. Pero wala naman na tayong magagawa dahil sistema na ‘yan e.
Bale ngayong araw e pangatlong beses ko na ‘atang kumuha ng NBI clearance. Yung unang dalawa e pinababalik ako sa ibang araw dahil may kapangalan ako. Ayos lang kasi hindi naman talaga ako pumipila ‘pag ganitong mga sitwasyon. Kaunting text o tawag lang sa mga kakilala e napapadali na ang buhay ko.
Ayoko ng mabagal na proseso ng gobyerno. Ang daming “STEPS”. Nagiging unproductive din ang mga tao. Umaabsent ang karamihan sa trabaho para lang pumila at tumunganga sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Nakakabwisit na sistema. Imbes na kumikita ka ng pera sa buong araw, e ayun napapagastos ka pa.
Kanina, hiningi ko na naman ang tulong ng mga kakilala. Ilang minuto lang e isinasaayos na ang clearance ko. Tumagal lang naman dahil nga sa may kapangalan ako. Bigla kong naisip na isa sa mga nagpapabagal sa proseso e ‘yong mga taong tulad ko na ayaw mahirapan.
Pinababalik ako ng alas-kwatro. Habang yung mga kanina pang madaling araw nakapila e ayun, nakapila pa rin. Pare-pareho lang naman kaming naghihintay. Ang pinagiba lang e nadaanan nila ang bawat sulok ng NBI habang ako, petiks lang.
‘Yong ayaw kong bulok na sistema e parte din pala ako.