Karapatan ng bawat tao ang maipahayag ang sarili niya sa ano mang paraan. Sa pagsusulat, sa pagguhit, sa pagsasayaw, sa pagpinta, o kahit sa pagpapakita ng katawan niya sa iba.
Kakitiran na lang ng utak ‘yong hindi makatanggap ng pagpapahayag sa sarili na taliwas sa moral na pinaniniwalaan niya/nila.
Para bang pambabastos na rin ‘yong pagkundena sa kalayaan na gusto ng ibang tao.
At ewan ko lang kung saan napulot ng lipunang ‘to na dapat bastusin ang mga babaeng matatapang ipahayag ang sarili, liberal, at alam ang mga karapatan niya.