SUMASABLAY Manila
  • PATING:

    Tita, tita, peanut ka ba?

  • SABEL:

    Bakit?

  • PATING:

    Kasi PEANUTibok mo ang puso ko e.

  • SABEL:

    ...

  • PATING:

    O eto, aunty ba kita?

  • SABEL:

    Bakit?

  • PATING:

    Kasi, ikaw AUNTYnitibok ng puso ko e.

No’ng nag-sale ba ng selos eh namakyaw ka? Buy 1 take 5?
ze boyfriend (via theimperfectgal)

Ang body fat daw ay optional. Bale choice ng tao ang pagpayat o pagtaba niya. Pero totoo, hindi ko choice ang pagtaba ko ngayon. Hindi pagtaba ang pinili ko kundi ang pagkain ng tama at masuportahan ang mga aktibidad ko araw-araw.

Wala daw self-control ang mga taong matataba. Muntik na sana akong hindi maniwala.

Bigla kong naalala, hindi ko na nga makontrol ang pagmamahal ko sakanya. 

Bale nasita ako ng isa kong boss ngayong umaga. Hindi ko kasi suot ang office uniform namin. Hindi ko kasi nalabhan kagabi. Masyado akong abala kakanood at kakalaro ng Tetris.

Ni hindi ko na rin masagot ang tawag nung syota ko kasi ‘di gaya ng DOTA o League of Legends na nilalaro niya, hindi pwedeng bitiwan ang Tetris. Hindi pwedeng AFK muna kundi talo ka.

Medyo kinabahan tuloy ako ng mapanood ko ‘to. Kasi tuwing pabiro niya akong pinapapili kung Tetris daw ba o siya, buong tapang kong sinasabi na “Syempre, Tetris!”

Pucha, bubugbugin ko siya kapag pinagpalit niya ako dahil sa kalalaro ng Tetris. Siya nga e parang may shift din sa kompyuteran kalalaro ng League of Legends. 

Walang basagan ng trip. 

Huwag mong gawing pamantayan ang sarili mo para ibaba lang ang ibang tao.

Hindi natin kontrolado ang pagbabago sa mundo, kasama ang emosyon at kagustuhan ng mga tao. 

‘Di natin kayang pigilin, ‘di pwedeng habulin. 

Ang magagawa na lang sa pagbabagong ‘to, sabayan at tanggapin. 

Hindi naman sa minamasama ko ang pagbibigay proteksyon ng lipunan sa mga kababaihan pero hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon e babae ang kawawa at agrabyado. Hindi ba pwedeng masaktan ang mga kalalakihan? Ang mga lalaki na lang ba ang parating may kasalanan?
~