SUMASABLAY Manila

Madalas akong mawalan ng gamit. May mga pagkakataon na nakukuha ito saakin, naiiwan sa kung saan at may makakapulot na iba, o bigla na lang talagang mawawala. 

Siguro ganun ako kaburara. Burara ako sa gamit. Nakakalat sa kung saan-saan ang mga gamit ko at matagal na panahon bago ko maisip na iligpit o itabi ito. 

Kahit gaano kahalaga ang bagay, ni hindi ko magawang alagaan. 

Madalas akong manakawan ng gamit, pati na rin ng kasintahan. 

Siguro kasi… 

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Napansin na siguro nitong boss ko na nakailang beses na akong tumatayo, binubusog ang sarili sa tubig, pasok sa pantry, punta sa c.r., timpla ng kape, at kung anu-ano pang dahilan para makaalis lang sa upuang ‘to.

Tapos biglang nakaramdam ‘tong tiyan ko ng matinding pangangailangan. Pero tinablan na ako ng hiya. Nahihiya na akong umalis dito para tumae.  

Hindi ako malungkot. Pagod lang ako.
Kahit natural na lang ang pagnanakaw sa internet, kakairita pa rin ‘pag ninanakawan ka tapos aangkinin pa na kanya.
Hindi lahat ay aayon sa kagustuhan mo.

Wala akong alam sa mga ganitong bagay pero bakit ako ang tinatanong mo? Bakit… Na-offend ako. 

Paano mo nairaraos ang gabi mo sa walang tigil na pagbibidyoke ng kapitbahay mo? Kaya pa din sigurong makatulog kahit paano.

Pero kung tatlong videoke sa bawat kanto palibot ng bahay mo, sabay-sabay at gabi-gabi, anong gagawin mo? 

Only in Brgy. Tatalon. 

~