Minsan kasi kailangan ko rin marinig mula sa’yo kung gaano mo ako kamahal. Na kahit nakakaputa ang ugali ko e masaya ka na tayo, ako ang kasama mo. 

Minsan mainarte ang puso ko at kailangan kong marinig na sabihin mong maswerte ka saakin. Na gusto mo akong makasama. Kahit puro away, puro pagtatalo, nasasabik ka pa rin na makatabi at mahawakan ang kamay ko. 

Hindi ko naman hinihiling na marinig ‘to araw-araw. ‘Di na tayo mga bata. Pero minsan, kailangan ko…

Sana espesyal din ako. 

Na kapag kaarawan e naaalala ng lahat. Na paghahandaan ng pamilya, mga kaibigan, kasintahan. Na kapag Pasko e hindi ako malilimutang bigyan ng kahit ano. Na hindi ako malilimutang padalhan ng mensahe na masaya sila na parte ako ng buhay nila. 

Sana espesyal din ako.

Na kapag malungkot ako e may dumaramay at nasasaktan din para saakin. Na kapag humiling ako, hindi ako tatanggihan. Hindi naman marami ang hiling ko. Kahit minsan lang… 

Sana espesyal din ako. 

Na kahit abala ang mga pamilya’t kaibigan ko e hindi nila nalilimutang mangamusta. Na may panahon sila na kitain ako. May panahon sila na kausapin ako. Kahit hindi araw-araw. Kahit minsan lang. 

Sana espesyal din ako sa mga taong espesyal saakin. 

Sana minsan, ako naman. 

captainsid:

Bakit kaya kapag sila ang nanghihingi ng tulong, lagi ako nandoon para tumulong? Bakit kaya kapag naghahanap ako ng makakaramay, walang may gusto? Bakit kaya kapag naghahanap ako ng makikinig sa akin, walang nakikinig? Oo nga, akala nilang lahat kaya ko. Akala nilang lahat manhid ako. Akala nilang lahat hindi ko kailangan ng tulong.

Ano kaya ang silbi ng pakikipagkaibigan kung wala naman ang kaibigan mo sa oras ng kalungkutan? Ano kaya ang ibig sabihin ng barkada kung hindi naman nila kayang makinig sa problema ng kanilang kaibigan? Ano kaya?

Hindi naman ako ‘yung tipo ng tao na maya’t maya kailangan ng makakausap. Hindi naman ako ‘yung klase ng tao na laging nanghihingi ng tulong o ng payo. Pakiusap ko lang, sana kapag dumating ang oras na kailangan ko ng gawin ang mga ‘yun nandyan ka para sa’kin. Hindi dahil ganun ako sa’yo, kundi dahil kaibigan kita.

Nagbabago na si Pating. 

‘Di na siya malambing at masiyahin tulad noon. Ni hindi na rin siya pala-ngiti at palagi nang naka-angil sumagot. 

Lumalaki na siya.