Hindi ko alam kung bakit makitid ang utak ko sa pagbabago. 

Natural naman ito sa buhay ng tao pero hirap akong tanggapin kahit kakarampot nito. Tulad ng paglilinis ng ibang tao ng sarili kong kwarto. Mababaliw ako sa kahahanap ng mga gamit ko. Magagalit ako imbes na magpasalamat dahil kailangan ko ang dating ayos, dating pwesto ng mga bagay-bagay sa kwarto ko — o sa buhay ko mismo. 

Allergic ‘ata ako sa pagbabago. Gusto ko ang luma. Gusto ko ang una. Gusto ko ang noon. Ayokong bitawan ang kahapon. 

Pero paano? Kung lahat e nagbabago na’t ako na lang ang natitirang ganito? 

Takot ako sa pagbabago. 

  1. sumasablay posted this