Iniisip ko kung paano ko masasakyan ang trip nitong syota ko.

Shifting ang schedule niya sa trabaho at paguwi sa bahay e may panibago na naman siyang shift, sa computer shop nga lang. ‘Di ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang parati niyang sinasabi na ‘buti nga’t hindi siya nambababae. Ang dami ko nang istratehiya sa sarili ko kung paano ako makakasabay sa hilig niya sa buhay. Bilang hindi epektibo ang pagpigil o pagkontrol ko sakanya noon e hinayaan ko siyang turuan ako para “bonding moment” na rin namin ‘yon.

Kinakain ng paglalaro niya ang dapat sanang ipinapahinga niya mula sa trabaho. Sakop na rin ang dapat sana e paguusap namin araw-araw. Tulad ng madalas niyang sinasabi ‘pag tumatawag ako, “Baby wait lang. Nagca-clash kasi.”, “Last game na ‘to, promise.”, “Isa na lang baby, sige na please.”, “Minsan ko lang kasi makalaro si (insert his bestfriend’s name here).”

'Di lang oras, kundi pati pera ang naaaksaya. Pambili ng hero, pambili ng skin. 

Minsan nakakatuwa, minsan nakakaputa.

Pero sabi nga nila, if you can’t beat them, join them. Kaya saluhan din niya ako ‘pag tinotoyo ako dahil sa paglalaro niya. 

  1. sumasablay posted this