Kinausap ako ng Presidente, Bise Presidente, at Corporate Secretary ng kumpanya kanina.
Inaasahan ko nang babaliktarin ako sa ganitong pagkakataon. Bago ako pumasok sa Meeting Room, sinabi ng kaibigan ko na, “Basta, panindigan mo lang.”
Hindi ako nagkamali. Lahat ng sinabi ko e kabaligtaran sa mga naririnig ko. Bahala na kako. Pero hindi ko hinayaang masira ang kredibilidad ko. Pinagtanggol ko ang sarili ko. Itinama ko ang mga maling sinasabi nila, na sinabi ko raw.
Nakakapagod makipaglaban sa mga masyadong matataas.