Pangalawang pag-iyak ko kanina dahil sa mga tao sa trabaho. 

May mga araw talagang ganito, tipong masasagad ka dahil sa pag-po-powertrip ng mga nakatataas. Oo, wala akong alam sa pagiging H.R. pero alam kong hindi rin tulad ng pamamaraan nila. Walang konsepto ng confidentiality, imbes na ikaw na parte ng isyu ang direktang kinakausap e magtatanong pa sa ibang tao na wala namang kinalaman. 

Para ano? Para may mapagusapan. 

Isa pa ‘tong kupal na Engr. na ‘to. Hindi na dapat siyang magtaka kung bakit nagrereklamo ako kasi ka-rekla-reklamo talaga yung pagmumukha niya, pati na rin ang ugali niyang mas mabaho pa sakanya. 

Minsan ang sarap kwestyunin ng mga pinangangalandakang Kristiyano sila. Kung ganyan ang pagiging Kristiyano, ayoko na.