Image and video hosting by TinyPic ..., Habang nasa dyip ako kagabi, iniisip ko kung ano...

Habang nasa dyip ako kagabi, iniisip ko kung ano ba ang ipapangalan ko sa magiging anak ko kung sakali. Gusto ko kasi sana e ipangalan sa mga magulang namin ng mapapangasawa ko. Bale naghalo-halo na ang mga baby names sa utak ko hanggang sa napunta ako sa Paraluman. Kung siya ang magiging tatay ng magiging anak ko, akma ‘to dahil Ang Huling El Bimbo ang una niyang itinurong kanta saakin na tugtugin sa gitara.

Nung isang araw, kinasal na yung isa kong tropa nung kolehiyo. Masaya ako para sakanila. Kung babalikan lahat ng nangyari sa relasyon nila, nakatutuwang isipin na may pinatunguhan din lahat ng sakripisyo at pagtitiis nitong kaibigan ko. Tapos bigla kong naramdaman na para bang gusto ko na rin ikasal.

Magpakasal na kaya ako? Pakakasalan ko ang sarili ko. Hehe.

Web Statistics