Image and video hosting by TinyPic ..., Hindi ako makapaniwalang wala pa sa limang daan...

Hindi ako makapaniwalang wala pa sa limang daan ang nagagastos ko ngayong linggo. Itinatak ko talaga sa makakalimutin kong utak na kahit mayroon o walang pera e kailangan kong magtipid. Malaking hamon ang pagtitipid sa panahon ngayon. Na kahit saan ka ‘ata lumingon e may iniaalok sa’yo ang mundo. 

Kailangan kong magtipid at matutunan ang pag-iipon. Sa katunayan niyan, nagsimula na kaming magipon nung syota ko. Kada cut-off e may hulog kami sa joint account namin sa wallet ko. Sana lang hindi ko magastos. 

Sana pala inipon ko lahat ng kickback ko nung kolehiyo. 

Web Statistics