Sa totoo lang, hindi na ganun kasaya ang buhay ko. E ganito siguro talaga ‘pag tumatanda na. Dumarami ang responsibilidad, nababawasan ang oras sa sarili, napapalayo na sa mga nakasanayan.
Mas masaya ang buhay ko noon na nakakasama ko pa parati ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila masisisi kung bakit nawala o nalayo sila sa bilog ko dahil nakakahawa ang negatibong pananaw ko sa buhay.
May katindihan ang utak ko pagdating sa pagiisip ng masama, mali, masakit. Hindi nakabubuti saakin, hindi rin ayos sa mga tao sa buhay ko.
Wala na akong napagkukwentuhan ng mga bagay-bagay. Wala rin namang kumakausap saakin masyado dito sa internet kaya madalas e sinasarili ko na lang. O sinasabi ko sa syota ko, ‘pag hindi kami galit.
Medyo sanay naman na akong mag-isa. Kahit malungkot at masakit paminsan.
Nanghihinayang lang ako sa pagkakaibigan, sa pinagsamahan, sa lahat ng pinagdaanan.
Masakit at malungkot ang pagtanda.