Biglang buhos ang sandamakmak na trabaho sa’kin. 

Hindi na lang iisang parte ang hawak ko kundi dalawa na. ‘Yong isa e masyado pang demanding, parang ako. Sa totoo lang, hirap pa rin ako kapag biglaan akong tinatanong ng mga boss tungkol sa numero. Para bang bumabalik ako sa kolehiyo na biglaang tinatawag ang apelyido sa recitation. 

Ang kupal pa sa eksenang ‘to, kanina nang biglang may tinanong saakin ang boss, andun din yung Engr. na pangit, mabaho occasionally at kupal always na sumira sa moral ko ng kaunti sa trabaho. Para bang tuwang tuwa siya na hindi ako nakakasagot sa mga tanong saakin. O napaparanoid lang ako? 

Ginagawa ko naman ang lahat para matuto. Lahat ng sinasabi nila saakin e tinatandaan ko. Numero lang talaga ang katapat ko.

Nga pala, hindi pa rin tinataasan ang sweldo ko. Ang kapal ng mukha kong mag-demand e tatlong buwan pa lang ako. Pero wala tayong magagawa, kailangan ko ng pera kaya finollow-up ko ang increase ko sa H.R. Wala pang balita. Mukhang natatawa sila na wala pa akong napatutunayan e pagtaas na ng sweldo ang hinihirit ko. 

Ang masaya sa araw na ‘to, natapos ko nang gawin ‘yong design na kailangan. First time ‘to na wala nang pinabago ang boss. Sabi na’t may taglay din akong talento dito nung unang panahon e. 

Ayos lang sakin na tambakan ako ng trabaho. Basta ‘wag lang i-ba-block ang networking sites sa opisina, at syempre mas malaking sweldo.