Sana espesyal din ako.
Na kapag kaarawan e naaalala ng lahat. Na paghahandaan ng pamilya, mga kaibigan, kasintahan. Na kapag Pasko e hindi ako malilimutang bigyan ng kahit ano. Na hindi ako malilimutang padalhan ng mensahe na masaya sila na parte ako ng buhay nila.
Sana espesyal din ako.
Na kapag malungkot ako e may dumaramay at nasasaktan din para saakin. Na kapag humiling ako, hindi ako tatanggihan. Hindi naman marami ang hiling ko. Kahit minsan lang…
Sana espesyal din ako.
Na kahit abala ang mga pamilya’t kaibigan ko e hindi nila nalilimutang mangamusta. Na may panahon sila na kitain ako. May panahon sila na kausapin ako. Kahit hindi araw-araw. Kahit minsan lang.
Sana espesyal din ako sa mga taong espesyal saakin.
Sana minsan, ako naman.
