Image and video hosting by TinyPic ..., Madalas kong malimutan na oo nga naman, parati...

Madalas kong malimutan na oo nga naman, parati tayong nakakagawa ng paraan. 

Nalampasan naman natin ang lahat ng pagbabago sa kanya-kanya nating buhay mula pa noong umpisa. Mula sa distansya ng tirahan, kawalan ng trabaho at pera, pareho nang naging abala sa trabaho tapos biglang nawalan na naman ang isa, schedule na hindi magkatagpo, hanggang sa mga ugaling hindi mapagkasundo.

Sisimulan ko na lang itanim sa isip ko na walang sakripisyo na wala ring magandang kahihinatnan sa huli. Kapag itong adjustment na ‘to e wala tayong napala, patay ka sakin. 

Web Statistics