Matagal ko ring hinanap-hanap ang action sa pelikulang Pilipino. ‘Di ko rin alam paano nangyari na nawala na ang action sa eksena at nagsulputan ang mga pelikulang kabisa na natin ang daloy at ending.
Hilig ko ang mga action films. Barilan, suntukan, patayan, paghihiganti na may halong romansa at yung iba e may comedy pa. Package na ang mga action films noon, kahit pa minsan e parang malabong mangyari sa totoong buhay.
Kaya laking tuwa ko nang makita ko na naman sa eksena ang mga batikan na sa action. Sina Jeorge Estregan, Joko Diaz, Phillip Salvador, John Regala, atbp. ang tampok sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.
May mga eksena lang na nakakatawa, awkward, medyo malabo, pero sa kabuuan, maganda ang pelikula.
Sana maibalik na ng unti-unti ang action films dito sa bansa. Pero iniisip ko kung sino ba ang mga pwedeng pang-action ngayon? Parang halos pa-pogi na lang kasi ngayon e.
