May mga multo na maya’t maya dadalaw sa’yo para takutin ka at guluhin ang isip mo. may mga magpapakita na hindi mo p’wedeng pagtaguan sa simpleng pagpikit lang ng mga mata at may mga madidinig ka na hindi mo mapagkukublian ng pagtakip lang ng unan sa mukha mo. maaari mong linlangin ang sarili mo at manghiram ka ng tapang sa paniniwala na wala naman talagang multo kahit na alam mo na nasa tabi tabi lang s’ya, sa ilalim ng kama mo, sa lalagyanan mo ng damit, sa loob ng telepono, at sa madidilim na lugar na ginagalawan mo. ..handang bumulaga sa’yo anumang oras.
hihintayin ko na dumating ang panahon na magkaron ako ng totoong tapang na harapin ang multong ‘yun at magkaron ng malawak na pag iisip para patunayan sa sarili ko na ang isang multo ay hindi makakapanakit ng pisikal sa akin at wala s’yang magagawa maliban sa takutin lang ako. sabi nga, kung ano ang hindi makakapatay sa akin ay s’ya pang magpapalakas sa akin. haharapin ko ang bawat pinto sa mundong ginagalawan ko na naglalaman pa ng mas maraming mga pinto at madidilim na bahagi na nagkakanlong ng iba’t ibang uri ng mga multo. magugulat ako pero hindi ako patitinag, aatras ako hindi para lumayo kundi para bumuwelo.

“
| — | Jon Cabron |
-
bunwich likes this
-
anima-enigmatica likes this
-
chocolateicekim likes this
-
kapirasongparadiso reblogged this from sumasablay
-
luna-tadhana-paraluman likes this
-
eenaccurate likes this
-
sinauna likes this
-
bumblebeewai likes this
-
funkienokie likes this
-
inkvspaper likes this
-
maparosnabata likes this
-
laya likes this
-
sumasablay posted this