January 2012
1 tag
Life is too short to waste your time trying to get people to like, love, or care...
– Kuya Ran (randooomed)
1 tag
2 tags
2 tags
The best part of having a relationship is getting to call the person or lay down...
– Tegan Quin
1 tag
Nabanggit ko na ba na mag-asawang Finnish ang mga boss ko?
Bale ngayong umaga, nakatanggap ako ng email mula sa lalaki kong boss. Communication Language ang subject. Sinabi niya do’n na English ang gamitin kong lengwahe sa emails bilang ‘yon din naman ang ginagamit namin dito sa opisina. Kahit pa daw sa emails ko sa mga Pinoy na boss.
Pakiramdam ko kasi binabastos ko sila ‘pag...
2 tags
Katarantaduhan din ng ilang drayber, mas marunong pa sa gusto mong babaan. ‘Buti sana kung hindi ka nagbayad. Magrereklamo pa na kanina pa nakahinto sa kabilang kalsada at kinukwestyon pa ang hindi mo pagbaba don.
E sa putanginang gusto kong bumaba sa tamang babaan. Mas marunong ka pala saakin edi sana ibinayad mo na rin ako ng pamasahe sa sarili mong pasada. Sinabi mo na rin sana sa...
2 tags
3 tags
Habang nasa dyip ako kagabi, iniisip ko kung ano ba ang ipapangalan ko sa magiging anak ko kung sakali. Gusto ko kasi sana e ipangalan sa mga magulang namin ng mapapangasawa ko. Bale naghalo-halo na ang mga baby names sa utak ko hanggang sa napunta ako sa Paraluman. Kung siya ang magiging tatay ng magiging anak ko, akma ‘to dahil Ang Huling El Bimbo ang una niyang itinurong kanta saakin na...
1 tag
Kunwari nag-gym ako, tapos bigla akong tumigil...
2 tags
2 tags
2 tags
2 tags
Nagtataka ako kung bakit parati na lang may isyu ang mga Pinoy na boss saakin.
Lahat na lang ng gawin ko e may nasasabi sila. ‘Eto kasing kinginang Engr. na ‘to, kalalaking tao na pangit e ubod ng kupal at daldal. Sa totoo lang, wala naman akong ginagawang masama dito e. Nagtatrabaho akong maigi para matuto. Pero bakit ganun?
Hindi ko na alam kung anu-ano pa ang dinadaldal niya sa...
2 tags
5 tags
Bale nasita ako ng isa kong boss ngayong umaga. Hindi ko kasi suot ang office uniform namin. Hindi ko kasi nalabhan kagabi. Masyado akong abala kakanood at kakalaro ng Tetris.
Ni hindi ko na rin masagot ang tawag nung syota ko kasi ‘di gaya ng DOTA o League of Legends na nilalaro niya, hindi pwedeng bitiwan ang Tetris. Hindi pwedeng AFK muna kundi talo ka.
Medyo kinabahan tuloy ako ng...
1 tag
2 tags
Iniisip ko kung anong mga dapat kong gawin para sumaya-saya naman ako.
Namiss ko nang gawin yung mga pinagkakaabalahan ko noon. Oo, alam ko namang hindi na maibabalik ang noon pero ayon nga sa syota ko, bagong simula lang ang kailangan.
Kailangan ko ng bago sa buhay ko.
2 tags
Hindi ako makapaniwalang wala pa sa limang daan ang nagagastos ko ngayong linggo. Itinatak ko talaga sa makakalimutin kong utak na kahit mayroon o walang pera e kailangan kong magtipid. Malaking hamon ang pagtitipid sa panahon ngayon. Na kahit saan ka ‘ata lumingon e may iniaalok sa’yo ang mundo.
Kailangan kong magtipid at matutunan ang pag-iipon. Sa katunayan niyan, nagsimula na...
2 tags
Ngayong umaga, tinanong ako ng boss kung anong thickness ng papel na ginagamit namin para sa mga flyers. Napatulala siguro ako sakanya ng ilang segundo. Nagmukha talaga akong boba nung mga sandaling ‘yon. Pero hindi ko alam kung ako lang ‘to pero wala naman talaga akong pakialam sa eksaktong kapal o nipis ng papel.
Ang alam ko lang e may manipis, sobrang nipis, makapal, mas makapal,...
1 tag
Sa totoo lang, hindi na ganun kasaya ang buhay ko. E ganito siguro talaga ‘pag tumatanda na. Dumarami ang responsibilidad, nababawasan ang oras sa sarili, napapalayo na sa mga nakasanayan.
Mas masaya ang buhay ko noon na nakakasama ko pa parati ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila masisisi kung bakit nawala o nalayo sila sa bilog ko dahil nakakahawa ang negatibong pananaw ko sa buhay.
May...
2 tags
Biglang buhos ang sandamakmak na trabaho sa’kin.
Hindi na lang iisang parte ang hawak ko kundi dalawa na. ‘Yong isa e masyado pang demanding, parang ako. Sa totoo lang, hirap pa rin ako kapag biglaan akong tinatanong ng mga boss tungkol sa numero. Para bang bumabalik ako sa kolehiyo na biglaang tinatawag ang apelyido sa recitation.
Ang kupal pa sa eksenang ‘to, kanina nang...
2 tags
Natatakot ako na magising na lang tayo isang umaga na hindi na natin mahal ang isa’t isa.
Natabunan ng away, galit, pagkakamali, pagkukulang, pagdududa, lahat ng negatibong pakiramdam para sa isa’t isa.
2 tags
3 tags
2 tags
2 tags
Sana espesyal din ako.
Na kapag kaarawan e naaalala ng lahat. Na paghahandaan ng pamilya, mga kaibigan, kasintahan. Na kapag Pasko e hindi ako malilimutang bigyan ng kahit ano. Na hindi ako malilimutang padalhan ng mensahe na masaya sila na parte ako ng buhay nila.
Sana espesyal din ako.
Na kapag malungkot ako e may dumaramay at nasasaktan din para saakin. Na kapag humiling ako, hindi ako...
2 tags
Madalas akong mawalan ng gamit. May mga pagkakataon na nakukuha ito saakin, naiiwan sa kung saan at may makakapulot na iba, o bigla na lang talagang mawawala.
Siguro ganun ako kaburara. Burara ako sa gamit. Nakakalat sa kung saan-saan ang mga gamit ko at matagal na panahon bago ko maisip na iligpit o itabi ito.
Kahit gaano kahalaga ang bagay, ni hindi ko magawang alagaan.
Madalas akong...
1 tag
2 tags
“I’m sorry but you have to learn numbers. I think you have to have a metro.” —Boss
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabobo sa Matematika. Sa pagkakatanda ko naman, ang galing ko sa numero noong kabataan ko. Pero mula kalahati ng highschool hanggang sa magkolehiyo e sinusuka ko na ‘to.
Pera ang gusto ko pero hindi ang numero at ang proseso sa pagkuha ng mga...
1 tag
Madalas kong malimutan na oo nga naman, parati tayong nakakagawa ng paraan.
Nalampasan naman natin ang lahat ng pagbabago sa kanya-kanya nating buhay mula pa noong umpisa. Mula sa distansya ng tirahan, kawalan ng trabaho at pera, pareho nang naging abala sa trabaho tapos biglang nawalan na naman ang isa, schedule na hindi magkatagpo, hanggang sa mga ugaling hindi mapagkasundo.
Sisimulan ko na...
1 tag
Iba pa rin ‘pag ikaw ang kasama.
1 tag
Ayon sa horoscope para sa 2012, magiging maswerte raw ako sa pera.
Para bang nagtatalon ang libog ko sa pera sa tuwa pagkabasa ko no’n. Totoo man o hindi, wala na akong pakialam. Heto na siguro ang aking break. Kung noong mga nakaraang taon e napagkaitan ako ng pera, heto na siguro ang pinaka-aantay ko.
Dapat ko na rin sigurong matutunan ang pagtitipid, pagiipon, pag-bubudget ng tama.
...
3 tags
2 tags
3 tags
Tita gusto kong kanta yung Rowling in the deef saka yung Peyramed.
– Pating
2 tags
2 tags
thei13 replied to your post: ate idol po kita!! keep blogging.. lge co po binabasa post nio.. :))
me too ate. . like n like q mga post m :) actually nung ty m n d kmi ok ng bf q, taman tama ung mga post m :) pasok s banga pho ee :)
Wow. HAHA! Nakatulong naman ba? O lalong lumala? Kasi yung relasyon ko, lumalala ‘pag tinotoyo ako e.
lookatmeintheeye asked: ate idol po kita!! keep blogging.. lge co po binabasa post nio.. :))
2 tags
Ka-chat ko yung dalawa kong ex. Nakakatawa na parang kailan lang e sila ang bida sa buhay ko at kayang-kaya nilang kontrolin ang emosyon ko sa bawat minuto.
Ngayon…kaswal na lang. Wala ng emosyon, wala ng drama at kung anu-anong shit, wala ng masyadong alaala, wala ng responsibilidad sa isa’t isa, wala ng pananabik. Nawala na.
Lumilipas nga ba talaga ang pagmamahal? Ganito rin kaya...
2 tags
Patuloy kong hinahanap ang noon na hindi naman pwedeng maibalik ngayon.
2 tags
Karapatan ng bawat tao ang maipahayag ang sarili niya sa ano mang paraan. Sa pagsusulat, sa pagguhit, sa pagsasayaw, sa pagpinta, o kahit sa pagpapakita ng katawan niya sa iba.
Kakitiran na lang ng utak ‘yong hindi makatanggap ng pagpapahayag sa sarili na taliwas sa moral na pinaniniwalaan niya/nila.
Para bang pambabastos na rin ‘yong pagkundena sa kalayaan na gusto ng ibang tao.
...
1 tag
Nakakatawa na nakakalungkot tanggapin ang mga pagbabago.
3 tags
freeserotonin asked: Andito pa 'ko sa Nueva Ecija. Tanging Tumblr lang ang nalo-load ng kinginang Smart Bro na 'to. Wala rin nga pala akong load. Ang ganda rin ng year-ender ko kase nilalagnat ako kahapon. Pero ayos na ko ngayon. Wala lang. Happy New Year, Sabel. My 2011 was really a blast because of you an Carlo. Salamat din kay Alexis kase ipinakilala kayo! Salamat din sa tunay na pagkakaibigan! Ikaw, si...
2 tags
Kailangan mo din siguro sabihin sakanya kung gaano mo siya kamahal, kung gaano ka kasaya na nandyan siya, na maswerte ka sakanya kahit pa madalas ang away at hindi pagkakaintindihan.
Ipaalala mo sakanya na minamahal mo siya sa kabila ng pagkukulang niya. Sabihin mo sakanya kung gaano ka kasabik na makita siya, na mahawakan muli ang kamay niya, na mahagkan siya.
Kahit minsan lang.
3 tags
2 tags
Bakit hindi na tayo tulad ng dati?
Bakit habang nadaragdagan ang mga araw nating magkasama, nababawasan naman ang pananabik natin sa isa’t isa?
Bakit hindi na natin kayang gawin ‘yong mga bagay na noo’y nagagawa naman natin?
Bakit hindi na tayo tulad ng dati?
3 tags
Kung pagod ka na p’wede mo naman isara muna ang puso mo, ‘wag mo...
– patuka sa utak
3 tags
Matagal ko ring hinanap-hanap ang action sa pelikulang Pilipino. ‘Di ko rin alam paano nangyari na nawala na ang action sa eksena at nagsulputan ang mga pelikulang kabisa na natin ang daloy at ending.
Hilig ko ang mga action films. Barilan, suntukan, patayan, paghihiganti na may halong romansa at yung iba e may comedy pa. Package na ang mga action films noon, kahit pa minsan e parang...
December 2011
3 tags
Huwag mong gawing pamantayan ang sarili mo para ibaba lang ang ibang tao.
3 tags
Ngayong taon, maayos kong nilisan ang dating trabaho. Masaya ako na nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa radyo. Marami akong natutunan, nakilala, at nadiskubre sa sarili ko.
Ilang buwan lang e nagkaroon ulit ako ng panibagong trabaho. Ibang-iba sa pinagaralan ko ng apat na taon. Araw-araw akong natututo sa mundo ng Arkitektura at Inhenyeriya. Marami pala akong kayang gawin.
Nagkaroon...